Friday, July 1, 2016

6 Pa-Deep Thoughts About REALationship


  1. Palagi mong tatandaan na ang “You complete me” ay isang figure of speech lang. Hindi mo kayang kumpletuhin ang kabuuan ng isang tao. Mas okay pang sabihin na “You make me feel complete” para hindi korny.
  2. Sa isang relasyon, iwasan mong makipagtalo. Pakikipagtalo ang tawag dyan dahil sa huli, ikaw pa rin ang lalabas na talo. Mas okay pang makipag-away. Atleast nai-justify niyo pareho ang side niyo.
  3. Sa isang relasyon, palaging may nagmamahal at may mas nagmamahal. Never yang naging pantay dahil kayo mismong dalawa ang nagpupuno ng kakulangan ng isa’t-isa. In the end, ganun pa rin ang result kapag inaverage yan.
  4. Di lahat ng kasalanan “sorry” ang katapat. Paminsan-minsan kailangan din ng sapak. Hindi solusyon ang break-up kapag napagod. Pahinga lang ang katapat niyan with matching hagod.
  5. Love hurts? Hindi ah. Ang ma-reject, Ang mapaglaruan, magamit at maiwanan sa ere, yun ang masakit. Hindi yung love. Kaya please lang, irespeto mo ang konsepto ng pag-ibig.
  6. Ang pag-ibig ay hindi emosyon lamang. Isa yang pagpili. Dahil kung sa emosyon mo lang ito ibabase, kapag dumating sa puntong nalungkot at napagod ka, mawawala lang ito tulad ng emosyon nating pabago-bago.

12 RESPONSES KAPAG SINABIHAN KA NG “MAS MASAHOL KA PA SA HAYOP”

12 RESPONSES KAPAG SINABIHAN KA NG “MAS MASAHOL KA PA SA HAYOP”
1. “So ano ako bacteria, fungi, protozoa?!”
2. “Ay ganun. Nahiya naman yung Theory of Evolution ni Charles Darwin. POKEMON?!!”
3. “Hayop naman talaga ang ex ko. Given na yun.”
4. “Hala...
12 RESPONSES KAPAG SINABIHAN KA NG “MAS MASAHOL KA PA SA HAYOP”
1. “So ano ako bacteria, fungi, protozoa?!”
image
2. “Ay ganun. Nahiya naman yung Theory of Evolution ni Charles Darwin. POKEMON?!!”
image
3.  “Hayop naman talaga ang ex ko. Given na yun.”
image
4. “Hala namisquote!
image
‘Di ba ang hindi magmahal sa sariling wika yun?”
5. “She loved me at my ‘masahol pa sa hayop’. You had at me at my best. But binalewala mo lang ang lahat. And you chose to break my heart.” 
image
6.  “Ang populasyon ng Pilipinas ay humigit kumulang 101,684,945. Kung hindi kami tao at mas masahol pa sa hayop, mali ang bilang! Ulitin ang census!
7. “If you can’t handle me at my ‘mas masahol pa sa hayop’, then you don’t deserve me at my “hayop sa ganda.”— @Cinephilliacy
image
8. “Eh anong species muna yung Parastratiosphecomyia sphecomyioides?”
image

9. “Kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi baka mayroong darating na mas okay, yung ‘mas masahol pa sa hayop’, yung taong mas sasaktan tayo at mas paaasahin.”
image
10.  “Kung hindi kami tao at mas masahol pa kami sa hayop, pwede bang fairy na lang?”
image
11. “To be ‘masahol pa sa hayop’ is both an honor and a responsibility. I want to show the world, the universe rather, that I am confidently ‘masahol pa sa hayop’ with a heart.”
image
12. “Ay ako okay lang sa’ken basta baby panda ako para cute.”
Source: israelmekaniko

13 TIPS KAPAG MAY LUMALANDI SA JOWA MO

#1.  Maging religious. Lumuhod at manalangin ng buong puso.
“Sumalangit nawa ang malandi niyang kaluluwa.” Gripuhan sa leeg right after.

#2. Huwag magwala, mabeastmode o magalit. Kalma lang. Dahan-dahan siyang lapitan at sabihin,
“Next time mo na lang landiin ang jowa ko kapag kasing sarap mo na ako.”

#3. Magwarm-up  sa harapan ng malanding haliparot.
“Ambulansya o distansya??”

#4. Ibili mo siya ng babasahin. Sabay sabi,
“Anong gusto, ma-diyaryo o matakpan ng diyaryo?”

#5. Kung confidently beautiful with a heart ka naman,
“Uy sorry ha. Hindi siya pumapatol sa… ( tingin sa kanya mula ulo hanggang paa )…. PANGET.”

#6.  Magpakita ng concern at malasakit. Promote cleanliness.
“Excuse me… makati ba? Subukan mo kasing hugasan.”

#7. Kung gusto mo namang mag-ala “masahol pa sa hayop levels”,
“Hey bitch! Baka gusto mong lumabas yung regla mo sa ilong mo?!”

#8. Pero kung gusto mo naman yung may konting class,
“Nasapak ka na ba ng bagong manicure?”

#9. Maging makatao. Bigyan siya ng karapatang mamili ng naaayon sa kanyang personal na kagustuhan.
“Mamili ka. Gusto mong sumikat? (sabay screenshot ng landian-convo kay jowa) O gusto mong hindi na sikatan ng araw ?

#10. Siguraduhin na isa siyang mabuting mamamayang Pilipino.
“So, monthly ka naman nagbabayad sa PhilHealth ‘no?”
Kapag umoo sabay higit sa buhok, kaladkarin paakyat sa escalator ng mall at ihagis siya na parang flyer.

#11.  Palagutukin ang mga buto sa daliri at leeg sabay sabi,
“Chineck mo ba yung criminal records ko sa NBI bago mo landiin yung jowa ko?” 

#12. I-comfort ng walang pagsidlan.
Yakapin mo siya ng mahigpit na mahigpit… hanggang mamatay.

#13.  Pero kapag saktong nahuli mo silang nagsesex,
Buhusan mo ng malamig na malamig na tubig at tumawa ng malakas.
“Wahaahahah! Pasma kayo ngayon!!!”

“ISANG LINGGONG PAG-DIET”


“ISANG LINGGONG PAG-DIET”
DAY 1
Gumising kang punong-puno ng pag-asa sa sarili dahil ayon sa daily horoscope, naaayon ang alignment ng mga bituin para ikaw ay mag-diet. Excited kang nag-grocery. Bumili ka ng wheat bread at oat meal tapos bigla kang naging aware dun sa mga nutrition fact na nakasulat sa likod ng mga de-lata ‘coz you want to stay healthy sa kinakain mo. Tapos pagdating mo sa bahay ipinagluto ka ng paboritong liempo ng nanay mo. Kaya sabi mo sa sarili mo, “Bukas na lang ako magdidiet at mag-eexercise.”
DAY 2
Mega shopping ka ng UnderArmour, running shoes at whey protein para mas lalo ka mamotivate mag-exercise.  Nagpunta ka sa gym suot yung bago mong compression shirt. Nagmirror selfie ka tapos ang caption, “Balik Alindog 2016″ ( kahit wala naman talagang ibabalik.) Tapos yun na. Dun na natapos ang araw mo. Nakalimutan mo na mag-exercise. Kaya sasabihin mo na naman sa sarili mo, “ Bukas na lang ako magdidiet at mag-eexercise, pramis.
DAY 3
Ito talaga yung 1st day ng diet mo and you decided na babawasan mo na ang pagkain ng madami. Pero biglang dumating yung friend mo na nagyayaya sa bertdeyan. So siyempre dahil bawal tanggihan ang blessings pupunta ka naman. Tapos papipiliin ka nila, “GYM o GIN?”. So siyempre ang sagot mo “Bukas na lang ako magdidiet at mag-eexercise, pramis. Final answer na talaga.” 
DAY 4
This is it. Bumalik ka ng gym with so much determination kase feeling mo #ChangeIsComing. Pakiramdam mo kumikinang yung mga gym equipments at tinatawag ka nila. Sa sobrang motivated mo that day, treadmill lang yung nagawa mo for 6 hours. Pero para sa’yo, it is considered as heavy workout. Tapos napagod ka na. Siyempre kapag pagod kelangan mo kumain ng madami kasi pagod ka nga di ba. Bakit kelangan mong magpaliwanag.
DAY 5.
Level up. Mega-workout ka  ngayong araw na ito. Then you send your gym-selfie to bae for update. Then bae replied, “Bae. Hindi mo naman kelangang magpaganda ng katawan para sa’kin. Mahal kita kahit ano pang maging itsura mo.” Nung nabasa mo yun,  pakiramdam mo ikaw ang pinakaswerteng tao sa buong mundo dahil may taong handa kang tanggapin ng buong puso’t kaluluwa. Kaya tinamad ka ng mag-gym… ‘coz bae is your world. And love is the greatest gift of all.
DAY 6
On the way ka na sa bahay ni bae bitbit ang isang box ng donuts kasi magfofoodtrip kayo nang bigla mo itong nabitawan dahil nakita mo siyang may kasamang iba. Mas maganda, mas sexy, mas maliit bewang. Halos gumuho ang mundo mo. Sa sobrang bigat ng nadarama mong kabiguan, you said to yourself, in Amor Power’s tone,
“MATTITKMAN NIYO… ANG BATAS.. NG ISANG…. ( then nakita mo yung bitbit mo )  WOW DONUTS!!!!”
Yun na.
DAY 7
Hindi lang dun basta natatapos ang lahat. Nagpadeliver ka ng pizza. Tapos nagbuffet ka pa nung gabi. Bukod pa yung midnight snacks habang sinasariwa mo ang masasayang alaala niyo ni bae. Tapos pakiramdam mo pagkain lang ang nakakaintindi sa’yo. Then narealize mong, bakit ka nga pala magpapakatanga sa isang tao eh marami namang nagmamahal sa’yo. Oo, ganun kadali. Ganun kabilis yung realizations mo kasi you are matured enough to handle a situation like that. Pero bigla mo din agad narealize na wala na palang ibang nagmamahal sa’yo kundi si bae lang. Si bae lang talaga. I mean, ex-bae. Kaya ang ending, napa-stress-eating ka.
So wala talagang nangyari sa diet mo. Niloko mo na nga ang sarili mo, niloko ka pa din ng ibang tao.
Kaya ang naging advocacy mo na lang sa buhay, FIGHT WORLD HUNGER.
Source: israelmekaniko

WHEN MANONG ASKED, “SAAN ANG BABA?”



WHEN MANONG ASKED, “SAAN ANG BABA?”
1. “To infinity and beyond!”
2. “Sa pinakamalapit na McDo. Kakain ng burger tapos magmomove-on.” 
3.  “Kahit saan manong tutal wala namang patutunguhan ang buhay ko.”
4. “Kasasakay ko lang pabababain niyo na agad ako? Pasasakayin tapos sa huli iiwanan din? Pare-pareho kayong lahat. PARAAAAAAA!!!! ”
5. “”Kapag sinagot ko po ba yan, libre na pamasahe ko?”
6. “Ah jan lang ho sa bertdeyan ng pinsan ko may konting inuman.”
7. “Bakit niyo tinatanong? Getting-to-know each other ito ‘no? Tapos ano, magkakadevelopan, magiging tayo tapos sa huli bubuntisin mo lang? Tapos mag-isa kong palalakihin ang mga supling natin? Gago ka pala eh! Hinde. Ayoko!”
8. “Dun po sa lugar na walang mga panget.” *looking to all the pasaheros*
9. “13° 47’ 0" North, 121° 2’ 0" East to be exact. 
10. “Diyan lang po sa may boundary… ng friendzone.”
11. “Depende po kung saan bababa itong cute na kaharap ko.” *sabay buka ng legs*
12. Dun po sa Hopeless Place ni Mareng Rihanna so I can find love din.” 
13. “Thank you for that wonderful question Manong. But i do believe that we find love right where we are so bababa na po ako ngayon. That would be all. Thank you.”
14. “Purok 7. Block 5. Kalye Pinaasa. Barangay Sinaktan Walang Forever. Magbbreak din kayong Lahat!!!”

Tapos kapag inabot na ni Manong ang sukli, sabay sigaw.
“#CHANGEISCOMING!!!!!”