Friday, July 1, 2016

“ISANG LINGGONG PAG-DIET”


“ISANG LINGGONG PAG-DIET”
DAY 1
Gumising kang punong-puno ng pag-asa sa sarili dahil ayon sa daily horoscope, naaayon ang alignment ng mga bituin para ikaw ay mag-diet. Excited kang nag-grocery. Bumili ka ng wheat bread at oat meal tapos bigla kang naging aware dun sa mga nutrition fact na nakasulat sa likod ng mga de-lata ‘coz you want to stay healthy sa kinakain mo. Tapos pagdating mo sa bahay ipinagluto ka ng paboritong liempo ng nanay mo. Kaya sabi mo sa sarili mo, “Bukas na lang ako magdidiet at mag-eexercise.”
DAY 2
Mega shopping ka ng UnderArmour, running shoes at whey protein para mas lalo ka mamotivate mag-exercise.  Nagpunta ka sa gym suot yung bago mong compression shirt. Nagmirror selfie ka tapos ang caption, “Balik Alindog 2016″ ( kahit wala naman talagang ibabalik.) Tapos yun na. Dun na natapos ang araw mo. Nakalimutan mo na mag-exercise. Kaya sasabihin mo na naman sa sarili mo, “ Bukas na lang ako magdidiet at mag-eexercise, pramis.
DAY 3
Ito talaga yung 1st day ng diet mo and you decided na babawasan mo na ang pagkain ng madami. Pero biglang dumating yung friend mo na nagyayaya sa bertdeyan. So siyempre dahil bawal tanggihan ang blessings pupunta ka naman. Tapos papipiliin ka nila, “GYM o GIN?”. So siyempre ang sagot mo “Bukas na lang ako magdidiet at mag-eexercise, pramis. Final answer na talaga.” 
DAY 4
This is it. Bumalik ka ng gym with so much determination kase feeling mo #ChangeIsComing. Pakiramdam mo kumikinang yung mga gym equipments at tinatawag ka nila. Sa sobrang motivated mo that day, treadmill lang yung nagawa mo for 6 hours. Pero para sa’yo, it is considered as heavy workout. Tapos napagod ka na. Siyempre kapag pagod kelangan mo kumain ng madami kasi pagod ka nga di ba. Bakit kelangan mong magpaliwanag.
DAY 5.
Level up. Mega-workout ka  ngayong araw na ito. Then you send your gym-selfie to bae for update. Then bae replied, “Bae. Hindi mo naman kelangang magpaganda ng katawan para sa’kin. Mahal kita kahit ano pang maging itsura mo.” Nung nabasa mo yun,  pakiramdam mo ikaw ang pinakaswerteng tao sa buong mundo dahil may taong handa kang tanggapin ng buong puso’t kaluluwa. Kaya tinamad ka ng mag-gym… ‘coz bae is your world. And love is the greatest gift of all.
DAY 6
On the way ka na sa bahay ni bae bitbit ang isang box ng donuts kasi magfofoodtrip kayo nang bigla mo itong nabitawan dahil nakita mo siyang may kasamang iba. Mas maganda, mas sexy, mas maliit bewang. Halos gumuho ang mundo mo. Sa sobrang bigat ng nadarama mong kabiguan, you said to yourself, in Amor Power’s tone,
“MATTITKMAN NIYO… ANG BATAS.. NG ISANG…. ( then nakita mo yung bitbit mo )  WOW DONUTS!!!!”
Yun na.
DAY 7
Hindi lang dun basta natatapos ang lahat. Nagpadeliver ka ng pizza. Tapos nagbuffet ka pa nung gabi. Bukod pa yung midnight snacks habang sinasariwa mo ang masasayang alaala niyo ni bae. Tapos pakiramdam mo pagkain lang ang nakakaintindi sa’yo. Then narealize mong, bakit ka nga pala magpapakatanga sa isang tao eh marami namang nagmamahal sa’yo. Oo, ganun kadali. Ganun kabilis yung realizations mo kasi you are matured enough to handle a situation like that. Pero bigla mo din agad narealize na wala na palang ibang nagmamahal sa’yo kundi si bae lang. Si bae lang talaga. I mean, ex-bae. Kaya ang ending, napa-stress-eating ka.
So wala talagang nangyari sa diet mo. Niloko mo na nga ang sarili mo, niloko ka pa din ng ibang tao.
Kaya ang naging advocacy mo na lang sa buhay, FIGHT WORLD HUNGER.
Source: israelmekaniko

No comments:

Post a Comment