- Palagi mong tatandaan na ang “You complete me” ay isang figure of speech lang. Hindi mo kayang kumpletuhin ang kabuuan ng isang tao. Mas okay pang sabihin na “You make me feel complete” para hindi korny.
- Sa isang relasyon, iwasan mong makipagtalo. Pakikipagtalo ang tawag dyan dahil sa huli, ikaw pa rin ang lalabas na talo. Mas okay pang makipag-away. Atleast nai-justify niyo pareho ang side niyo.
- Sa isang relasyon, palaging may nagmamahal at may mas nagmamahal. Never yang naging pantay dahil kayo mismong dalawa ang nagpupuno ng kakulangan ng isa’t-isa. In the end, ganun pa rin ang result kapag inaverage yan.
- Di lahat ng kasalanan “sorry” ang katapat. Paminsan-minsan kailangan din ng sapak. Hindi solusyon ang break-up kapag napagod. Pahinga lang ang katapat niyan with matching hagod.
- Love hurts? Hindi ah. Ang ma-reject, Ang mapaglaruan, magamit at maiwanan sa ere, yun ang masakit. Hindi yung love. Kaya please lang, irespeto mo ang konsepto ng pag-ibig.
- Ang pag-ibig ay hindi emosyon lamang. Isa yang pagpili. Dahil kung sa emosyon mo lang ito ibabase, kapag dumating sa puntong nalungkot at napagod ka, mawawala lang ito tulad ng emosyon nating pabago-bago.
Friday, July 1, 2016
6 Pa-Deep Thoughts About REALationship
jhanice Mendiola
11:35 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment